Nagulat ako nung makita ko sa balita na mahigit 623 million na ang jackpot sa lotto. Di kaya inaantay lang ako nitong tumaya? hahaha nagbabakasakaling manalo. Pero siguradong hindi ako nag-iisa sa ganitong pag-iisip. Marami nang mga hindi parokyano ng lotto ang napapasali ngayon dahil sa nakaambang premyo.
Di ko pa nasusubukang tumaya sa lotto pero parang naaakit ako. Sa hirap ng buhay ngayon, kahit sino, maraming naiisip kung ano ang gagawin kapag napanalunan yon. Ako nga, ang dami kong na-iimagine e. Malaman ko pa lang na tumama ang lahat ng numero ko, parang puputok na ang ulo ko. O kaya parang tatalon ang kaluluwa ko papalayo saken. Sa ganong kalaking pera, siguro masusutentuhan mo ang sarili mo hanggang sa ikasampung buhay mo. Sobra pa sa pangangailangan mo kaya maaari mo ring gamitin para makatulong sa iba.
Pero mahirap din mabuhay ng biglang yaman. Sigurado, gagamitan mo ng mighty bond yung tiket para idikit sa palad mo. At hindi ka makakatulog kakaisip kung anong gagawin sa ganong kalaking pera. Kapag nakuha mo na, kelangan mong mag-isip ng mabuti kung ibobroadcast mo ba na milyonaryo ka o ililihim mo. Kapag ipinagkalat mo, patay ka. Kapag inilihim mo, mababaliw ka at mamamatay ka. LOL! Ayon sa napapanood ko sa Pepito Manaloto sa ch7, magkakaroon ka ng financial adviser na makakatulong sayo kung paano gagastusin ang pera at saan. Mabuti rin yon. Kasi, kung galing ka sa hirap, baka wala pang isang linggo, namaalam ka na sa mundong ito.
Naisip ko rin na sa kung sino mang mapalad ang makakakuha ng jackpot,para nya na ring pinasan ang dimonyo. Hindi ba? Nagiging tukso ang pera habang lumalaki ito. Kaya mag-aantay lang siya ng pagkakataong makuha ka nya. [bwahahaha] Biglaang yaman nga kasi e. Hindi tulad ng iba na talagang nagsumikap para magkaroon ng maraming pera.
Kaya ayokong tumaya! Teka... siguro tataya pa rin ako. Hahaha sabay bawi e no? Ayokong tumaya kapag alam kong sobra pa sa kailangan ko ang mapapanalunan. Buhay ang kapalit lalo na sa bansang ito na mas marami ang mahirap kaysa mayaman. Hindi ka ligtas. Kaya't kung sakali mang may manalo ng ganong kalaking pera, congratulations! sana makatulog ka ng mahimbing!
Wednesday, November 24, 2010
Wednesday, November 03, 2010
Analysis Paralysis
Here I go again... thinking it's hard to do when the problem I can't see here, but now I do, is that I'm just making myself fear something I have not seen or done yet. It's quite ironic. And so I hate that part of myself.
I have stumbled an article about how to make life simple again and here's an excerpt:
"When we were young life was easier, right? I know sometimes it seems that way. But the truth is life still is easy. It always will be. The only difference is we’re older, and the older we get, the more we complicate things for ourselves."
The full article is not much related to what I'm talking about. The excerpt, however, made me think that maybe the reason why I create such fear inside me is because I gained more knowledge than before. I mean, I can think and I can imagine what's it gonna be or what's going to happen... which results to making it look complicated and then fear of doing it. When in reality, it's really not that hard.
I just have to remember that last line. I'm a shy type of person and I sometimes can't help it to spend more time thinking. But then again, I guess I just have to do it to get over with it.
"Fear distorts reality."
—@Lotay via twitter

Thursday, October 14, 2010
eksaherasyon lamang...
Dalawang araw pa nga lang, parang wala na ako sa aking sarili (eksaherasyon lamang)... Dalawang linggo pa kaya?
Magiging kulay itim at puti lamang pansamantala ang mundo ko magsimula sa ika-lima ng Nobyembre hanggang sa ika-labingwalo. Sa mga araw na yaon, palagiang magkakaroon ng puwang ang aking buhay at hindi ko maiiwasang hindi mag-alala.
Kapag tinitingnan ko sa kalendaryo, tila kay ikling panahon ngunit nabatid kong hindi ito magiging madali dahil naalala ko noon, minsan na rin akong naghintay at umabot iyon ng isang linggo. Wala akong natatanggap na balita kaya't lubos ang aking pag-aalala. Pakiramdam ko'y nag-iisa na naman ako. Ngunit matapos noo'y nagkausap na muli kaya't bumuti na ulit ang kalagayan ako.
Papalapit na ang itinakdang araw. Magsisimula na naman akong pilitin ang sarili na huwag mag-alala. Pilitin ang sarili na maghanap ng ibang gawain upang malibang.
Nakakatuwa talaga... kapag tinitingnan ko sa kalendaryo, ang daling sabihin na, "sus... dalawang linggo lang pala e. kaya ko yan!" hay, sana nga.
Paumanhin at ako'y tila nagiging makasarili. Bueno, ang dasal ko lamang ay sana maging maayos ang pananatili mo sa iyong pupuntahan. At kung ikaw ay makararanas ng kalungkutan, isipin mo lang ako at ang mga kabaliwan ko na nagpapatawa sa'yo.
Mag-iingat ka lagi!
[naging inspirasyon ko sa mensaheng ito ang pananalita ni Grazilda kaya walang basagan ng trip!]

Friday, September 24, 2010
Extend pa!
PWEDE BANG PAUSE MUNA ANG MUNDO NG SCHOOL? Tinatamad na ko e.. dT_Tb
—nakita ko lang ang note na 'to sa cellphone ko.. dated 11/24/08. Naalala ko, eto ata yung mga panahon ng sangkatutak na documentation lalo na yung Feasibility Studies at puyatan sa paggawa ng system naming mga Guduerz. Grabe! Halos kulang sa oras! Kung pwede lang magbayad ng 20 pesos per hour para ma-extend ang isang araw. 3rd year talaga ang pinaka nakakasira ng ulo sa IT! Patung-patong ang mga gawain. Kaya ko siguro ito nasabi.
Pero natawa ko nung nabasa ko to kanina. Kasi ngayon naman, wala akong masyadong ginagawa. Ang pasok ko lang ay tuwing Sabado. Nasa bahay lang ako parati at nagcocomputer. Pero hindi programming kundi ang magStumble. Naisip ko tuloy, kung pwede lang sanang ibigay ang mga bakanteng oras ko dun sa mga panahong kailangan pa ng oras. E di, solb! May ganun kaya si Doraemon?

Thursday, September 23, 2010
When I die...
...either by accident or within a matter of time [which I prefer], I want my spouse to donate my body parts that can still be used by those who are in need. Cremate the remains then mix it with some concrete and build a small tombstone in a beach where we live and embedded with a picture of us.
That's my perfect and peaceful death.
Optional but preferred:
—Play my fave songs like Clarity by John Mayer, Carbon Monoxide by Regina Spektor, What Matters To Me by Tiebreaker, and many more. I'll prepare the playlist, my love.
—people should wear white on the day of making the tombstone.

Wednesday, September 15, 2010
Your words did.
"pero sometimes naman, words can make people happy... hindi ba? (saka kelangan ba may pera to be happy? (syempre para next year libre nya ko ng maraming ice cream, cotton candy at stick-o) ), kamusta nga pala ung house and lot na pinadala ko sayo, natangap mo ba? nagustuhan mo? or gusto mo sa ibang bansa? sa palawan lang yan eh, sorry....
wag kang mag-alala, after all, nobody knows my true happiness but me.... parehas lang tayo!!!
ok lang yan.... tumanda ka lang naman ng one year eh, dala nga lang siguro ng stress... hhahahahahahahahaha
ayun, pray ko na lang na... maging happy ka na sana next year, sa susunod mong birthday, o kahit araw araw... balang araw, magiging masayang masaya ka.... (mag-coke ka kasi para makatanggap ka ng true Happiness)... hehehehehe
cge, pasensya na...."
By FRED on [not] Happy Birthday! on 9/24/09
—natutuwa ako sa tuwing binabasa ko 'to kaya naisipan kong irepost since malapit na ang birthday ko. Sana magkatotoo 'tong mga sinabi mo.
With sympathy and some well-chosen words, you can make people happy.

Tuesday, August 17, 2010
L...a...z......
Ï: just so you know, I'm the laziest person in this world.
Ü: Yeah.. so? I'm a hard worker so no problem with that. You are not totally lazy... you just need someone to make you move.

Tuesday, August 03, 2010
I'm expensive.
Mahal ako ng tatay ko dahil:
.pinagluto nya ko ng paborito kong chopsuey
.binibigyan ako ng pambili ng meryenda tuwing hapon
.sinesermonan ako kapag lasheng sya
.binili ako ng tsinelas nung nagreklamo ako dati na 'for public use' ang tsinelas ko dahil sinusuot nila kaya't di ako makaalis ng bahay
.nung kaming dalawa ang naiawan sa bahay at nagpabili ng tatlong banana cue, tinanong ko kung bakit.. sabi nya, akin raw yung dalawa
Mahal ako ng nanay ko dahil:
.ginawan nya ko ng shoulder bag ayon sa disenyo ko
.pinapatawa ako sa kakornihan ng mga hirit nyang jokes
.nagpapapicture sya saken kapag magandang maganda sya sa suot nya
.ako ang inuutusang magtimpla ng kape nya.. ang di nya alam, narinig kong sinabi nya sa kapatid ko na masarap akong magtimpla

Wednesday, April 07, 2010
Pero papunta na ko!
/On the phone.../
Ï: Huwaw! Di ako makapaniwala! Matapos ang ilang linggo? Nagparamdam ka na ulit! Teka, bakit ang ingay jan? Nasan ka ba?
Ü: aah... nasa ano... [nasa airport]
Ï: hah?
Ü: ay may sasabihin pala ko sa'yo *excited*
Ï: oh... ako din e. *malungkot pero ayaw ipahalata*
Ü: ganon? Sige, una ka na.
Ï: hinde, ikaw na...
Ü: washuz! ikaw na muna, kapag nauna kasi ko... baka...
Ï: baka ano?
Ü: una ka na.
Ï: *sigh* ummm... di ko alam kung pano sisimulan.
Ü: Nge? drama naman nito...
Ï: Ummm... alam mo Ü, masaya ako na kahit malayo tayo sa isa't-isa, para pa rin tayong magkalapit dahil halos araw-araw tayong nag-uusap. Masaya rin ako dahil minahal mo ko ng higit pa sa inakala ko. Marami kang kinukwento saken tungkol sa ginagawa mo sa lugar mo... nakakatuwang isipin na ang dami mo na palang natulungan...
Ü: haha... hindi naman masyado.. alam mo naman na kahit may ginagawa ako, pinipilit ko pa rin na matulungan yung mga taong malapit saken.
Ï: oo... kahit nga busy ka, kinakalimutan mo yung dapat mong gawin para lang tulungan sila e.
Ü: hehe...
Ï: Pero alam mo, sa tingin ko you have a worldly attitude. Gets mo ba ko?
Ü: hmmm... siguro nga ganyan ang ugali ko... gusto ko talagang magkaroon ng pagbabago sa mundo. Pero syempre, kasama dapat kita.
Ï: haha.. mukhang masaya.
Ü: masaya talaga! Kasama kita e.
Ï: Ummm... alam mo ba, natutuwa ako kapag sinasabi mong malapit ka nang pumunta dito? Pero sa tuwing natatapos ang bawat araw, parang pakiramdam ko lalong lumalayo yung araw na yon. Parang patalon-talon na lang yon sa mga lumilipas na buwan...
Ü: *nalungkot* sorry talaga ha.. pero may...
Ï: alam mo, tingin ko hindi mo naman talaga binabalak na puntahan ako dito. Sinasabi mo lang na pupunta ka para lang mapalagay ang loob ko.
Ü: ha?
Ï: Siguro nga iba ang ugali ko... ako kasi yung tipong makasarili. Gusto ko rin namang tumulong sa iba gaya ng ginagawa mo pero gusto ko, ako muna bago sila. Ang pananaw ko kasi, pano ko matutulungan ang iba kung ang sarili ko, hindi ko matulungan?
Ü: Teka, naguguluhan ako.. ano ba talaga ang gusto mong sabihin?
Ï: Ok... Pagod na kong mag-antay.
Ü: ano? Di mo na nga kailangang mag-antay ng matagal dahil...
Ï: Pakiramdam ko, malabo nang mangyaring pumunta ka pa dito. Araw-araw nga tayong nag-uusap at marami tayong napaguusapan pero kapag tinatanong kita tungkol dun, natatahimik tayo sandali... tapos sasabihin mo, hindi mo pa sigurado.
Ü: hmmm.. hindi pa talaga ko sigurado kasi hindi ko kontrolado ang mga nangyayari saken dito... alam mo naman yon di ba?
Ï: oo... kaya nga nagdadalawang isip ako kung hahabaan ko pa pasensya ko o bibitiw na lang ako para hindi na ko magmukhang ewan dito kakaantay sa wala...
Ü: wag ka ngang ganyan! Ginagawa ko na lahat ng paraan para lang makapunta jan! Pwede pakinggan mo muna ko?
Ï: tama na muna.. siguro bigyan mo muna ko ng panahon...
Ü: panahon? bakit?
Ï: Ay! ang tanga ko... oo nga pala. hahaha sorry ha. Ilang araw na pala akong nangungulila at nag-iisa. Ang ibig ko palang sabihin, wag mo na lang ituloy.
Ü: Pero pasakay na ko!
-beep!beep! ~disconnected.
~inspired by a movie. :) tanga niya no?

Wednesday, March 03, 2010
Arf! Bark! Aw! Rawr!
Lagi na lang walang tao sa bahay. Ang tahimik kaya lagi na lang akong natutulog sa ilalim ng mesa o kaya sa labas malapit sa pinto kasi presko. Pero minsan, nakikita ko si Nelvin na lumalabas ng kwarto nila. Ano kayang ginagawa nya?
Dati kasi, araw-araw nakikipaglaro siya saken tapos pinapakain nya pa ko. Ang saya nga kapag hinahabol ko sya. Araw-araw nya rin akong kinakausap. Pero nitong mga nakaraan, lagi na lang sya sa kwarto. Minsan, nakita kong medyo bukas yung pinto kaya pumasok ako. Pero hindi siya tumingin saken. Kinailangan ko pang lumapit at magpapansin. May nakita akong isang bagay. Dun siya nakatitig. Tapos may mga pinipindot siya sa mesa tapos may ginagalaw na kung ano. Naaliw ako sa tinitignan nya kasi ang daming kulay at kung anu-ano pang mga nangyayari na mukha namang nakakatuwa. May tumutunog pa nga e.
Nung lumapit ako at kinalabit ko siya, sabi nya, "O pano ka nakapasok? Labas ka muna. May ginagawa pa ko sa computer." Pero hindi ako gumalaw liban sa aking buntot. Gusto ko kasi lambingin nya ko e. Siya lang kasi tao dito sa bahay. Masaya naman ako nung pinansin nya ko. Tapos lumabas siya na parang tumatakbo at tinatawag pa ko kaya natuwa ako at hinabol ko siya. Maya-maya, pumasok siya sa kwarto tapos sinara ang pinto. Kumatok ako pero ang sabi nya, "mamaya na Mocha!" Bumalik na lang ako sa ilalim ng mesa at nagbuntong hininga tsaka natulog.

Monday, March 01, 2010
Switch On/Off
First time kong maranasang sumakay ng jeep at biglang nagbrownout ang buong bayan. Ang una kong narinig ay ang mga tili at sigaw na akala mo'y kinagat ng ipis sa kanilang maseselang bahagi. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang magreact ng ganon. Siguro nga, natural na dahil nagulat sa pagkawala ng kuryente. Nagugulat din naman ako pero abnormal na siguro ako kasi hindi naman ako tumitili o sumisigaw. Naisip ko lang kasi, bakit kailangan pang maging exagerated e nawalan lang naman ng kuryente? At kahit anong inis at galit mo kung sakaling naputol ang ginagawa mo, nangyari na yon kaya wala ka nang magagawa. Mas mabuti sana kung ngingiti ka na lang at tanggapin yon.
Buti pa sa jeep na sinasakyan ko, may ilaw. Habang byahe, napansin kong naglabasan ang mga tao. Marami ring nagsindi ng kandila. Nag-alala ako sa mga taong mag-isang nagaabang sa tabi ng kalye kasi hindi sila ligtas dahil baka sakaling manakawan sila o kung ano mang masamang mangyari. Pinagdasal ko na lang na sana bantayan sila ni God. Tapos, napansin ko rin na ugali ng mga pinoy na magtipon-tipon at mgkwentuhan at alamin ang buhay-buhay ng bawat isa. Nakakatuwa kasi yun lang pala ang paraan para iwanan ang sariling mundo at makihalubilo sa ibang tao at maging malapit sa kanya-kanyang pamilya.
Wala palang kwenta ang teknolohiya nung mga oras na yon. Ang dami kong nadaanang mga computer cafe na nilangaw. Wala ring bukas na tv na pinapanatiling nakatitig at nakanganga ang mga nanonood sa loob ng bahay. Walang sounds at ilaw kaya biglang naging presko ang hangin at naging kapansin-pansin ang kalangitan. Kung tutuusin, parang bumalik sa panahon ng mga cavemen. Walang magawa ang mga tao. Hindi makausad. Parang tumigil sandali ang mundo. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa na lang kasi nanatiling matatag ang mga cellphones. Sila ang naging bida. Halos lahat ng taong nakita ko sa daan, kundi nagtetext, may kausap naman. Naging oras din yon para magpayabangan ng mga model at matira ang matibay. Marami rin sigurong nagsex dahil walang magawa at madilim naman. LOL
At eto pa ang isang nakakatuwang masaksihan. Kung kanina, exagerated kapag nawalan ng ilaw, ngayon naman, parang dinaig pa ang mga cavemen sa pagkakadiskubre ng apoy nung magkaroon na ng kuryente. Merong 'YEHEY!' 'Ayoooooonnn! Sa wakaaaaaaasss!' 'WOOOOOOOO!!' 'Hay salamat.. may kuryente na.' at mga tawanan at iba pang sigawan na akala mo'y nagumpisa na ang piyesta. At syempre, dahil abnormal ako.. ngiti lang naman at nagpasalamat kay God na may kuryente na ulit. Balik na sa normal ang lahat na parang walang nangyari.
Gusto ko lang sanang isingit.. nung panahon kasi ng bagyong Ondoy, di ba nagbrownout din? Naalala ko lang kasi na naipon kami ng pamilya ko sa sala at nagsimulang magkwentuhan at magtawanan. :) Ayon na siguro ang isang magandang rason kung bakit pinapatay sandali ni God ang switch.

Subscribe to:
Posts (Atom)