Sunday, October 23, 2011

Ako na ang masama...

1. Sinong may sabing mainit sa Pilipinas? May makatabi ka lang na taong may bagong gadget, para ka nang naka-aircon e.

2. Meron talagang mga taong manlalait ng ibang tao, makapagpatawa lang.

3. Bakit ganun? Matapos kang sabihan ng masama, lalagyan ng 'Joke!' sa huli para magmukhang pabiro. Bakit ba ganun kasama ugali mo? hahaha joke!

4. Kapag single ka, itutukso ka sa iba. Kapag in a relationship ka, bibiruin ka na di rin kayo magtatagal. Bwiset! Ano bang gustong mong status? Dead?

5. Sabi ng kaibigan mo, "Nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong." Ang tagal nyong hindi nagkita. Tapos isang araw, hiningan mo ng pabor. Sabay mageemote sya ng, "Ganyan ka naman e, kapag may kailangan ka lang, tsaka mo ko naaalala." washuz! ansabehmoh dati?

-nilben