Wednesday, March 23, 2011

May pera sa eggnog

Naghahanap ako ng eggnog na peanut butter flavor kaso wala na ata. Yung original tsaka choco na lang. Siguro yung iba, hindi nasasarapan sa peanut butter flavor. Pero ako, mas gusto ko pa yun kesa sa dalawa.

Naalala ko tuloy, nung elementary ako, grade 4, nagbebenta ko ng eggnog kapag recess. Hindi yung isang balot kundi isang pares ng eggnog at may palaman na choco-choco o kaya crinkles. Tas binebenta ko ng piso bawat isa. Hahaha akalain mong maraming bumibili saken? Mini burger pa nga tinawag ko dun at nagkaroon pa ko ng mga tagabenta: ung nasa harap ko at yung katabi ko. P15 ata ang puhunan ko non tas mga P25 ang kita ko. Yaaa.. not bad. lol

Natatawa na lang ako kapag naaalala ko yun. Meron palang pagkaentrepreneur na nananahan sa loob ko. :) Sana magamit ko yun in the future.