Wednesday, April 07, 2010

Pero papunta na ko!

/On the phone.../

Ï: Huwaw! Di ako makapaniwala! Matapos ang ilang linggo? Nagparamdam ka na ulit! Teka, bakit ang ingay jan? Nasan ka ba?

Ü: aah... nasa ano... [nasa airport]

Ï: hah?

Ü: ay may sasabihin pala ko sa'yo *excited*

Ï: oh... ako din e. *malungkot pero ayaw ipahalata*

Ü: ganon? Sige, una ka na.

Ï: hinde, ikaw na...

Ü: washuz! ikaw na muna, kapag nauna kasi ko... baka...

Ï: baka ano?

Ü: una ka na.

Ï: *sigh* ummm... di ko alam kung pano sisimulan.

Ü: Nge? drama naman nito...

Ï: Ummm... alam mo Ü, masaya ako na kahit malayo tayo sa isa't-isa, para pa rin tayong magkalapit dahil halos araw-araw tayong nag-uusap. Masaya rin ako dahil minahal mo ko ng higit pa sa inakala ko. Marami kang kinukwento saken tungkol sa ginagawa mo sa lugar mo... nakakatuwang isipin na ang dami mo na palang natulungan...

Ü: haha... hindi naman masyado.. alam mo naman na kahit may ginagawa ako, pinipilit ko pa rin na matulungan yung mga taong malapit saken.

Ï: oo... kahit nga busy ka, kinakalimutan mo yung dapat mong gawin para lang tulungan sila e.

Ü: hehe...

Ï: Pero alam mo, sa tingin ko you have a worldly attitude. Gets mo ba ko?

Ü: hmmm... siguro nga ganyan ang ugali ko... gusto ko talagang magkaroon ng pagbabago sa mundo. Pero syempre, kasama dapat kita.

Ï: haha.. mukhang masaya.

Ü: masaya talaga! Kasama kita e.

Ï: Ummm... alam mo ba, natutuwa ako kapag sinasabi mong malapit ka nang pumunta dito? Pero sa tuwing natatapos ang bawat araw, parang pakiramdam ko lalong lumalayo yung araw na yon. Parang patalon-talon na lang yon sa mga lumilipas na buwan...

Ü: *nalungkot* sorry talaga ha.. pero may...

Ï: alam mo, tingin ko hindi mo naman talaga binabalak na puntahan ako dito. Sinasabi mo lang na pupunta ka para lang mapalagay ang loob ko.

Ü: ha?

Ï: Siguro nga iba ang ugali ko... ako kasi yung tipong makasarili. Gusto ko rin namang tumulong sa iba gaya ng ginagawa mo pero gusto ko, ako muna bago sila. Ang pananaw ko kasi, pano ko matutulungan ang iba kung ang sarili ko, hindi ko matulungan?

Ü: Teka, naguguluhan ako.. ano ba talaga ang gusto mong sabihin?

Ï: Ok... Pagod na kong mag-antay.

Ü: ano? Di mo na nga kailangang mag-antay ng matagal dahil...

Ï: Pakiramdam ko, malabo nang mangyaring pumunta ka pa dito. Araw-araw nga tayong nag-uusap at marami tayong napaguusapan pero kapag tinatanong kita tungkol dun, natatahimik tayo sandali... tapos sasabihin mo, hindi mo pa sigurado.

Ü: hmmm.. hindi pa talaga ko sigurado kasi hindi ko kontrolado ang mga nangyayari saken dito... alam mo naman yon di ba?

Ï: oo... kaya nga nagdadalawang isip ako kung hahabaan ko pa pasensya ko o bibitiw na lang ako para hindi na ko magmukhang ewan dito kakaantay sa wala...

Ü: wag ka ngang ganyan! Ginagawa ko na lahat ng paraan para lang makapunta jan! Pwede pakinggan mo muna ko?

Ï: tama na muna.. siguro bigyan mo muna ko ng panahon...

Ü: panahon? bakit?

Ï: Ay! ang tanga ko... oo nga pala. hahaha sorry ha. Ilang araw na pala akong nangungulila at nag-iisa. Ang ibig ko palang sabihin, wag mo na lang ituloy.

Ü: Pero pasakay na ko!
-beep!beep! ~disconnected.

~inspired by a movie. :) tanga niya no?



1 comment:

  1. as usual ganyan talaga mga scenario ng mga love film naten. mga korni at katangan lang. rak en roll.

    ReplyDelete

Thanks for reading! :) now pop that bubble thought here.