Tuesday, February 19, 2008

Meet and greet. [ver.1]

/sa Airport…/

Ü: /Naka-upo sa isa sa mga seats… may inaantay ata./

Ï: /Looking for someone too… froze nang may namukhaan. Nilapitan./
Ü: /Tumingin./
Ï: /Watery eyes at kinakabahan. Para ngang hindi makahinga e…/ E-excuse m-me, i-ikaw ba s-si Ü?
Ü: Yes. Er… sino ka? /tinitigan si Ï na umaarteng parang hindi kilala./
Ï: A-ako si Ï
Ü: Ï?
Ï: /teary at lalong hindi makahinga sa tono ng narinig./ Oo! Ako si Ï! Di mo na ba ko nakikila?
Ü: Ï? Er…
Ï: Sa Yipee… ako si Ï!
Ü: A! Oo nga! Ï! Teka, ikaw ba talaga yan? Parang iba ka nung nakita kita dun…
Ï: Oo! Ako nga ‘to… pero ngayon at nakita mo na ko, di mo na ko magugustuhan… *sob* pero ok lang. Masaya na rin ako… nakita na rin kita sa wakas. Matapos ang ilang taon kong paghihintay. Sige, alis na ko… /tumalikod./
Ü: Teka! Ano bang sinasabi mo? Kaya nga ako nagpunta rito para sa’yo tapos aalis ka na lang ng ganyan… umiiyak ka pa… ilang taon din akong naghinntay no!
Ï: /lumingon./ Ikaw talaga… *cries* pinapa-iyak mo pa rin ako kahit nagkita na tayo.
Ü: Haaay… nako… halika nga rito!

/They hugged and hugged and hugged./

/talking while hugging.../
Ï: *all smiles* Kala ko… di mo na ko magugustuhan kapag nagkita tayo.
Ü: Pwede ba yon? ikaw pinunta ko dito no! Masaya rin ako kase nagkita na tayo. Namiss kita ng sobra.
Ï: /hugged Ü tighter…/
Ü: Uy! Teka! di na ko makahinga!
Ï: *giggle* Sabi ko sa’yo, kapag nagkita tayo, yayakapin kita ng mahigpit eyung tipong hindi ka na makakahinga.
Ü: *smile* Oo nga pero magyayakapan na lang ba tayo dito?
Ï: Oo… *sigh* ang tagal kong hinintay ang araw na ‘to no!