PWEDE BANG PAUSE MUNA ANG MUNDO NG SCHOOL? Tinatamad na ko e.. dT_Tb
—nakita ko lang ang note na 'to sa cellphone ko.. dated 11/24/08. Naalala ko, eto ata yung mga panahon ng sangkatutak na documentation lalo na yung Feasibility Studies at puyatan sa paggawa ng system naming mga Guduerz. Grabe! Halos kulang sa oras! Kung pwede lang magbayad ng 20 pesos per hour para ma-extend ang isang araw. 3rd year talaga ang pinaka nakakasira ng ulo sa IT! Patung-patong ang mga gawain. Kaya ko siguro ito nasabi.
Pero natawa ko nung nabasa ko to kanina. Kasi ngayon naman, wala akong masyadong ginagawa. Ang pasok ko lang ay tuwing Sabado. Nasa bahay lang ako parati at nagcocomputer. Pero hindi programming kundi ang magStumble. Naisip ko tuloy, kung pwede lang sanang ibigay ang mga bakanteng oras ko dun sa mga panahong kailangan pa ng oras. E di, solb! May ganun kaya si Doraemon?
No comments:
Post a Comment
Thanks for reading! :) now pop that bubble thought here.