Wednesday, February 23, 2011

Masarap ang No Smoking

Tangina... ibang klase rin ang mga drayber ng jeep no? Parang nananalamin lang e pero kabaligtaran ang nakikita. Naninigarilyo sa harap ng "No Smoking!" sign! San ka pa?! Only in the Philippines kung saan masarap talaga ang bawal! Di ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kanila. Nakakatawa dahil ginagawa pa rin nila kahit may paalala na sa harap nila. Nakakainis dahil hindi nila yon nakikita. O sadya lang talagang hindi marunong bumasa ng ingles... Bwiset talaga e... may N at O na nga e. Am bobo puta.

Ano bang meron sa sigarilyo? Ayon sa nabasa (health.howstuffworks.com/wellness/drugs-alcohol/nicotine1.htm) at napanood ko (In Good Shape, DW-TV),

Nicotine ang primary agent ng sigarilyo na nagbibigay ng "stimulating effects" [huwaw... ang bango sa tenga] tulad ng caffeine sa kape.

The Good:
Instant gratification. Mabilis umepekto ang Nicotine dahil dumadaan ito sa lungs na mapupunta sa bloodstream patungo sa brain. At dun na yun kakalat para matrigger yung mga neurons (sensory cells).
a. Increased release of acetylcholine, kaya pakiramdam mo energized ka.
b. Stimulation of cholinergic neurons, kaya ka masaya. Pano ba to? Parang walang problema sa buhay?
c. Release of glutamate, sanhi kung bakit gusto mo pa ng isa... at isa pa... at isa pa...
d. Increased release of endorphins, also known as the body's natural pain killer.

The Bad:
Maaga kang tatanda. Bwahaha! Yun talaga ang tumatak sa utak ko. Pinapabilis ng Nicotine ang aging process ng katawan mo. Mangingitim ang gums at maninilaw ang mga ngipin. Yikes! Sabi rin nila, pinapaliit ng paninigarilyo ang armas ng mga kalalakihan. May chance ka rin na magkaroon ng mga sakit tulad ng Stroke, Heart Disease, at Cancer lang naman. Hahaha! 'Sus... parang yun lang e.
May masama rin itong epekto sa mga second-hand smokers o yung mga nakalalanghap ng usok na binubuga mo. Kung tutuusin, carbon dioxide na nga yung binuga mo na may kasama pang toxins, tapos hindi maiiwasang langhapin ng kaharap mo at pupunta sa lungs niya yun... isipin mo nga, ungas ka!!!

The Ugly:
Dahil nga sa pinangungunahan ng good effects ang bad effects ng paninigarilyo (release of glutamate), mahirap talaga itong pigilan agad-agad. Pero meron namang mga Nicotine gums at patches na mabibili sa drug stores bilang alternatibo sa paninigarilyo na nakakasira ng lungs mo. Nicotine lang naman ang kelangan ng katawan mo kaya advisable yung mga yun. O kaya naman, magpatherapy ka kung wala kang magawa sa pera. Ang masaklap lang dun, hinahanap-hanap na ng katawan mo ang Nicotine kaya matatagalan pa siguro bago ito maalis sa katawan mo.

The Brightside:
Tao ang pinakamatalinong nabubuhay sa mundo kaya nasa iyo ang desisyon at dedikasyon para magbago.

Wednesday, November 24, 2010

I wanna be a (lotto) millionaire..

Nagulat ako nung makita ko sa balita na mahigit 623 million na ang jackpot sa lotto. Di kaya inaantay lang ako nitong tumaya? hahaha nagbabakasakaling manalo. Pero siguradong hindi ako nag-iisa sa ganitong pag-iisip. Marami nang mga hindi parokyano ng lotto ang napapasali ngayon dahil sa nakaambang premyo.

Di ko pa nasusubukang tumaya sa lotto pero parang naaakit ako. Sa hirap ng buhay ngayon, kahit sino, maraming naiisip kung ano ang gagawin kapag napanalunan yon. Ako nga, ang dami kong na-iimagine e. Malaman ko pa lang na tumama ang lahat ng numero ko, parang puputok na ang ulo ko. O kaya parang tatalon ang kaluluwa ko papalayo saken. Sa ganong kalaking pera, siguro masusutentuhan mo ang sarili mo hanggang sa ikasampung buhay mo. Sobra pa sa pangangailangan mo kaya maaari mo ring gamitin para makatulong sa iba.

Pero mahirap din mabuhay ng biglang yaman. Sigurado, gagamitan mo ng mighty bond yung tiket para idikit sa palad mo. At hindi ka makakatulog kakaisip kung anong gagawin sa ganong kalaking pera. Kapag nakuha mo na, kelangan mong mag-isip ng mabuti kung ibobroadcast mo ba na milyonaryo ka o ililihim mo. Kapag ipinagkalat mo, patay ka. Kapag inilihim mo, mababaliw ka at mamamatay ka. LOL! Ayon sa napapanood ko sa Pepito Manaloto sa ch7, magkakaroon ka ng financial adviser na makakatulong sayo kung paano gagastusin ang pera at saan. Mabuti rin yon. Kasi, kung galing ka sa hirap, baka wala pang isang linggo, namaalam ka na sa mundong ito.

Naisip ko rin na sa kung sino mang mapalad ang makakakuha ng jackpot,para nya na ring pinasan ang dimonyo. Hindi ba? Nagiging tukso ang pera habang lumalaki ito. Kaya mag-aantay lang siya ng pagkakataong makuha ka nya. [bwahahaha] Biglaang yaman nga kasi e. Hindi tulad ng iba na talagang nagsumikap para magkaroon ng maraming pera.

Kaya ayokong tumaya! Teka... siguro tataya pa rin ako. Hahaha sabay bawi e no? Ayokong tumaya kapag alam kong sobra pa sa kailangan ko ang mapapanalunan. Buhay ang kapalit lalo na sa bansang ito na mas marami ang mahirap kaysa mayaman. Hindi ka ligtas. Kaya't kung sakali mang may manalo ng ganong kalaking pera, congratulations! sana makatulog ka ng mahimbing!

Wednesday, November 03, 2010

Analysis Paralysis

Here I go again... thinking it's hard to do when the problem I can't see here, but now I do, is that I'm just making myself fear something I have not seen or done yet. It's quite ironic. And so I hate that part of myself.

I have stumbled an article about how to make life simple again and here's an excerpt:

"When we were young life was easier, right? I know sometimes it seems that way. But the truth is life still is easy. It always will be. The only difference is we’re older, and the older we get, the more we complicate things for ourselves."

The full article is not much related to what I'm talking about. The excerpt, however, made me think that maybe the reason why I create such fear inside me is because I gained more knowledge than before. I mean, I can think and I can imagine what's it gonna be or what's going to happen... which results to making it look complicated and then fear of doing it. When in reality, it's really not that hard.

I just have to remember that last line. I'm a shy type of person and I sometimes can't help it to spend more time thinking. But then again, I guess I just have to do it to get over with it.

"Fear distorts reality."
—@Lotay via twitter

Thursday, October 14, 2010

eksaherasyon lamang...

Dalawang araw pa nga lang, parang wala na ako sa aking sarili (eksaherasyon lamang)... Dalawang linggo pa kaya?

Magiging kulay itim at puti lamang pansamantala ang mundo ko magsimula sa ika-lima ng Nobyembre hanggang sa ika-labingwalo. Sa mga araw na yaon, palagiang magkakaroon ng puwang ang aking buhay at hindi ko maiiwasang hindi mag-alala.

Kapag tinitingnan ko sa kalendaryo, tila kay ikling panahon ngunit nabatid kong hindi ito magiging madali dahil naalala ko noon, minsan na rin akong naghintay at umabot iyon ng isang linggo. Wala akong natatanggap na balita kaya't lubos ang aking pag-aalala. Pakiramdam ko'y nag-iisa na naman ako. Ngunit matapos noo'y nagkausap na muli kaya't bumuti na ulit ang kalagayan ako.

Papalapit na ang itinakdang araw. Magsisimula na naman akong pilitin ang sarili na huwag mag-alala. Pilitin ang sarili na maghanap ng ibang gawain upang malibang.

Nakakatuwa talaga... kapag tinitingnan ko sa kalendaryo, ang daling sabihin na, "sus... dalawang linggo lang pala e. kaya ko yan!" hay, sana nga.

Paumanhin at ako'y tila nagiging makasarili. Bueno, ang dasal ko lamang ay sana maging maayos ang pananatili mo sa iyong pupuntahan. At kung ikaw ay makararanas ng kalungkutan, isipin mo lang ako at ang mga kabaliwan ko na nagpapatawa sa'yo.

Mag-iingat ka lagi!

[naging inspirasyon ko sa mensaheng ito ang pananalita ni Grazilda kaya walang basagan ng trip!]

Friday, September 24, 2010

Extend pa!

PWEDE BANG PAUSE MUNA ANG MUNDO NG SCHOOL? Tinatamad na ko e.. dT_Tb

—nakita ko lang ang note na 'to sa cellphone ko.. dated 11/24/08. Naalala ko, eto ata yung mga panahon ng sangkatutak na documentation lalo na yung Feasibility Studies at puyatan sa paggawa ng system naming mga Guduerz. Grabe! Halos kulang sa oras! Kung pwede lang magbayad ng 20 pesos per hour para ma-extend ang isang araw. 3rd year talaga ang pinaka nakakasira ng ulo sa IT! Patung-patong ang mga gawain. Kaya ko siguro ito nasabi.

Pero natawa ko nung nabasa ko to kanina. Kasi ngayon naman, wala akong masyadong ginagawa. Ang pasok ko lang ay tuwing Sabado. Nasa bahay lang ako parati at nagcocomputer. Pero hindi programming kundi ang magStumble. Naisip ko tuloy, kung pwede lang sanang ibigay ang mga bakanteng oras ko dun sa mga panahong kailangan pa ng oras. E di, solb! May ganun kaya si Doraemon?

Thursday, September 23, 2010

When I die...

...either by accident or within a matter of time [which I prefer], I want my spouse to donate my body parts that can still be used by those who are in need. Cremate the remains then mix it with some concrete and build a small tombstone in a beach where we live and embedded with a picture of us.

That's my perfect and peaceful death.

Optional but preferred:
—Play my fave songs like Clarity by John Mayer, Carbon Monoxide by Regina Spektor, What Matters To Me by Tiebreaker, and many more. I'll prepare the playlist, my love.
—people should wear white on the day of making the tombstone.


Wednesday, September 15, 2010

Your words did.

"pero sometimes naman, words can make people happy... hindi ba? (saka kelangan ba may pera to be happy? (syempre para next year libre nya ko ng maraming ice cream, cotton candy at stick-o) ), kamusta nga pala ung house and lot na pinadala ko sayo, natangap mo ba? nagustuhan mo? or gusto mo sa ibang bansa? sa palawan lang yan eh, sorry....

wag kang mag-alala, after all, nobody knows my true happiness but me.... parehas lang tayo!!!

ok lang yan.... tumanda ka lang naman ng one year eh, dala nga lang siguro ng stress... hhahahahahahahahaha

ayun, pray ko na lang na... maging happy ka na sana next year, sa susunod mong birthday, o kahit araw araw... balang araw, magiging masayang masaya ka.... (mag-coke ka kasi para makatanggap ka ng true Happiness)... hehehehehe
cge, pasensya na...."

By FRED on [not] Happy Birthday! on 9/24/09

—natutuwa ako sa tuwing binabasa ko 'to kaya naisipan kong irepost since malapit na ang birthday ko. Sana magkatotoo 'tong mga sinabi mo.

With sympathy and some well-chosen words, you can make people happy.