Wednesday, February 23, 2011

Masarap ang No Smoking

Tangina... ibang klase rin ang mga drayber ng jeep no? Parang nananalamin lang e pero kabaligtaran ang nakikita. Naninigarilyo sa harap ng "No Smoking!" sign! San ka pa?! Only in the Philippines kung saan masarap talaga ang bawal! Di ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kanila. Nakakatawa dahil ginagawa pa rin nila kahit may paalala na sa harap nila. Nakakainis dahil hindi nila yon nakikita. O sadya lang talagang hindi marunong bumasa ng ingles... Bwiset talaga e... may N at O na nga e. Am bobo puta.

Ano bang meron sa sigarilyo? Ayon sa nabasa (health.howstuffworks.com/wellness/drugs-alcohol/nicotine1.htm) at napanood ko (In Good Shape, DW-TV),

Nicotine ang primary agent ng sigarilyo na nagbibigay ng "stimulating effects" [huwaw... ang bango sa tenga] tulad ng caffeine sa kape.

The Good:
Instant gratification. Mabilis umepekto ang Nicotine dahil dumadaan ito sa lungs na mapupunta sa bloodstream patungo sa brain. At dun na yun kakalat para matrigger yung mga neurons (sensory cells).
a. Increased release of acetylcholine, kaya pakiramdam mo energized ka.
b. Stimulation of cholinergic neurons, kaya ka masaya. Pano ba to? Parang walang problema sa buhay?
c. Release of glutamate, sanhi kung bakit gusto mo pa ng isa... at isa pa... at isa pa...
d. Increased release of endorphins, also known as the body's natural pain killer.

The Bad:
Maaga kang tatanda. Bwahaha! Yun talaga ang tumatak sa utak ko. Pinapabilis ng Nicotine ang aging process ng katawan mo. Mangingitim ang gums at maninilaw ang mga ngipin. Yikes! Sabi rin nila, pinapaliit ng paninigarilyo ang armas ng mga kalalakihan. May chance ka rin na magkaroon ng mga sakit tulad ng Stroke, Heart Disease, at Cancer lang naman. Hahaha! 'Sus... parang yun lang e.
May masama rin itong epekto sa mga second-hand smokers o yung mga nakalalanghap ng usok na binubuga mo. Kung tutuusin, carbon dioxide na nga yung binuga mo na may kasama pang toxins, tapos hindi maiiwasang langhapin ng kaharap mo at pupunta sa lungs niya yun... isipin mo nga, ungas ka!!!

The Ugly:
Dahil nga sa pinangungunahan ng good effects ang bad effects ng paninigarilyo (release of glutamate), mahirap talaga itong pigilan agad-agad. Pero meron namang mga Nicotine gums at patches na mabibili sa drug stores bilang alternatibo sa paninigarilyo na nakakasira ng lungs mo. Nicotine lang naman ang kelangan ng katawan mo kaya advisable yung mga yun. O kaya naman, magpatherapy ka kung wala kang magawa sa pera. Ang masaklap lang dun, hinahanap-hanap na ng katawan mo ang Nicotine kaya matatagalan pa siguro bago ito maalis sa katawan mo.

The Brightside:
Tao ang pinakamatalinong nabubuhay sa mundo kaya nasa iyo ang desisyon at dedikasyon para magbago.